4th Street Bar Hive-Bar

Hive-Bar Powered by Hive beta-fdb5b5b

Community post

Ang Enerhiya

![sketch-1531838585063.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmXaUegXFyVUTw2VzGP5CxiyeGZ2g91GiJnNeVFwNDEzon/sketch-1531838585063.png)
***Ang Enerhiya***
*Isang enerhiyang nakapaloob sa ating sariling kalawakan Ito'y di matatawaran ng kahit nino man Pusong tumitibok dahil sa tuwa sa pagsisikap Malapit ng makamit ang ating inaasam na pangarap.*
*Isang malawakang kaisipan Sa isang malawak na kalawakan Kung saan ang enerhiya'y makikita Na sa ating sarili ay nanghihina na.*
*Pinanghinaan ng loob, sa isang mababaw na dahilan Na bakit kayay hindi natin kayang panghawakan Bakit di nating subukang labanan Gamit ang enerhiya sa ating sariling pangangatawan.*
*Sa paglakas ng nakapaloob na enerhiya Gamit ang ating sariling sandata Pagsisikap, pagmamahal at tiyaga Diyan lahat nagmumula ang ating pag asa.*
*Isang napakagandang kinabukasan Na ating makakamtan Kapangyarihang di inaasahan Iyo ng mararamdaman Dahil sa enerhiyang iyan na di mo pinabayaan*


Isang tula na aking ibabahagi sa isang napakatahimik na gabi, bilang ganti sa dalawang buwan na nawalan ng gana at pag asa dahil sa panglabas na kadahilanan.

At ngayo'y pakiramdam sa sarili ay ang isang mabuti at malakas na enerhiya. Na sana ay magawa ng bawat isa, at maibahagi din ito sa iba. Walang susuko sa anumang baku bako sa buhay. Panalangin ang sagot at susi sa makapangyarihang enerhiyang nakapaloob sa ating pangangatawan.

![MyLogo20180717232708_1.jpg](https://cdn.steemitimages.com/DQmT2dLefNAJ1Lp9V1jfUvkLdVZDy4UPFtvswMXdffpG9QD/MyLogo20180717232708_1.jpg)
16 upvotes $0.01

Replies (0)

Conversation

No replies yet

Replies will appear here as people join the conversation.

Review before signing

Posting as . Signing with . Keychain permission: Posting. Hive Keychain will ask you to approve this action next.


  
Technical details

Operation fingerprint: