4th Street Bar Hive-Bar

Hive-Bar Powered by Hive beta-fdb5b5b

Community post

Bulong Nang Paminta

IMG_20180911_151156_469.jpg

# Bulong Nang Paminta ##### A Spoken Word Poetry Piece Akdang Tula #4 orihinal na akda ni @joco0820
Bawal ba ang magmahal ng isang tulad mo? Bawal bang maging bahagi ka ng mundo ko? Bakit nga ba bawal na magmahalan tayo? Ou nga pala, ikaw at ako lalaki tayo pareho
Sa mundong hindi tanggap ang pagmamahalan nating dalawa Bakit kaya di nalang tayo gumawa ang sariling mundo sinta Ako ang hari at ikaw na lalaki ang prinsipe na ituturi kong parang reyna Pagsisilbihan mula ulo hanggang paa
Oh diba ? Grabi ang ngiti at saya,hawak ko parati ang kamay mo walang taong nanghuhusga Mahahalikan kita sa kahit saang sulok o sa kahit ano mang banda Walang kilay na tataas at walang matang didilat na sing liwanag ng bumbilya dahil sa mali ang nakikita nila Walang taong magagalit walang bungangang puputak putak na sasaway sa ating dalawa
Maglalakad tayong naka akbay habang nagkukwentuhan sa ating storya na panghabang buhay Maghaharutan sa daan walang tatawa dahil ito ay ating kaharian ang sa sasaway ay tiyak aking ipapapatay Ipapatawag sa ating kaharian pupugutan nang ulo o kayay ibibitay Ipapakain sa buwaya, ipapatapon sa malayong lugar o ipapatuka sa agila na parang maliit na palay
Kay sarap siguro nang buhay natin mahal noh? Kung tanggap tayo ng mapanghusgang mundo Kung pagmamahalan natin ay hindi mali sa mata nang tao Sana'y maintindihan nila na nagmamahalan lang naman tayo
Sana, sa pamamagitan ng maikling pasisiwalat ko nang aking nararamdaman Mamulat ang mata nang taong bayan Pagtanggap at pagrespeto ang tanging aking iniasam, ou yun lang naman Pasensya na, lalaki man kami pareha, nagmahal lang po ng lubusan

Hello steemians! I am back! @joco0820
For more poetry and travel blogs, dont forget to

UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW

452 upvotes $0.31

Replies (7)

Review before signing

Posting as . Signing with . Keychain permission: Posting. Hive Keychain will ask you to approve this action next.


  
Technical details

Operation fingerprint: