4th Street Bar Hive-Bar

Hive-Bar Powered by Hive beta-fdb5b5b

Community post

KANDIDATO

![pinas.png](https://steemitimages.com/DQmSyg6mUbXDZsjCZvr11in124in7WUBnu5n8PDsHZSeTYU/pinas.png)

pinagkunan ng larawan

Ilan na ba ang naupo,
Sa mahiwagang silyang iyan?
Bakit kamo mahiwaga?
Eh, kasi ang nakaupo ay may kapangyarihan

Halos lahat ng inuutos nasusunod
Lahat ng kahilingan natutupad
Tinitingala ng lahat di naman lumilipad
Lahat yumuyuko saan man mapunta't mapadpad

Napapalibutan lage ng kanyang mga bantay
Pagbaba sa sasakyan ay may nakaalalay
Tatabi lahat ng sasakyan kapag daraan
Ngayon alam mo na?, kung gaano siya ka makapangyarihan

Ngunit bago pa man siya nailuklok
Sino ba siya at saan ba galing na sulok?
Diba't isa rin siyang ordinaryong mamamayan,
Walang mga alipin, taga sunod at mga kayamanan?

Ako ang inyong abang lingkod
Na handang magserbisyo para sa bayan
Diba sa kanya mismo nanggaling ang salitang yan?
Habang nagtatalumpati sa entablado noong halalan

Bakit nag iba o parang baliktad?
Sa kanyang sinabi habang sa sikat ng araw ay babad
Pagkat ngayon ay ni ang pakikipagkamay
Haharangin ka na parang ang pakay moý pumatay

Nakakalungkot isipin ang ganitong pangyayari
Na kapag sila'y naupo, gusto'y maging hari
sa isang kisap mata'y hindi mo na mawari
Dati'y walang-wala ngayon kay dami na nang pag-aari

Ang masaklap pa nito'y ang kanyang mga pangako
Para bang nilimot na at tuluyang napako
Ibinaon sa limot ang lahat ng tuluyan
Nasilaw sa kinang ng salapi at kapangyarihan

Kilan kaya darating ang tamang panahon?
O ang tamang taong mailuluklok upang sa bayan ituon
Ang kanyang tunay na adhikain at mga pananaw
Upang sa gayon may magandang bukas ako, siya at ikaw.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGSUBAYBAY,,, NAWA'Y INYONG NAGUSTUHAN,,,

WAG PONG KALIMUTAN:

To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!
If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy

giphy (2).gif

22 upvotes $0.07

Replies (8)

Review before signing

Posting as . Signing with . Keychain permission: Posting. Hive Keychain will ask you to approve this action next.


  
Technical details

Operation fingerprint: