4th Street Bar Hive-Bar

Hive-Bar Powered by Hive beta-fdb5b5b

Community post

Ang Pag-Ibig

Ang pag-ibig ay hindi parang mainit na kanin
Na kapag napaso ay iluluwa
Ang pag-ibig ay hindi parang laruan
Na pababayaan na lang kung sawa na
Ang pag-ibig ay hindi parang pusa
Na kapag maingay ay ililigaw
Ang pag-ibig ay hindi parang laro
Na kapag natalo ay aayaw.

Ang pag-ibig ay hindi parang gadget
Na kapag nasira ay papalitan
Ang pag-ibig ay hindi parang damit
Na kapag naluma ay ipamimigay
Ang pag-ibig ay hindi parang basura na kapag puno na ay itatapon na lang
Ang pag-ibig ay hindi parang matematika
Na kapag nahirapan ka ibabagsak na lang.

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob
Hindi mainggitin, hindi mayabang o mapagmataas
Hindi magaspang ang ugali, hindi makasarili
Hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa

Hindi ikinatutuwa ang ugaling masama ngunit ikinagagalak ang katotohanan
Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa
At mapagtiis hanggang sa wakas.

ff.jpg

89.png

12 upvotes $0.22

Replies (2)

Review before signing

Posting as . Signing with . Keychain permission: Posting. Hive Keychain will ask you to approve this action next.


  
Technical details

Operation fingerprint: