4th Street Bar Hive-Bar

Hive-Bar Powered by Hive beta-fdb5b5b

Community post

May Pag-asa Pa Ba?


Sumisigaw nang malakas ang labi ng panggigising

Tinig na bumabangon sa tengang mali ang pandinig

Binibigkas mga bagay na natakpan upang marinig

Kung ano na'ng tunay na kinasadlakan ng sarili


Nagmamasid ang matang nakakatakot kung tumingin

Minamasdan kang yelo at kulang na lang ay tunawin

Pinapakita ang lupit na sinapit ng iyong tahanan

Tahanang isang tulak na lang ay magwawakas na


Inatake ang pusong sumisigaw at nagmamasid

Dahil hindi nabingit natunaw ang masamang hayop

Bagkus ito'y nagpatuloy sa masamang gawain

Patuloy na sinisira't dinudurog ang sarili


Nawalan ng pag-asa ang pusong nanghina't lumuha

Duguan ang ulang pumatak mula sa kanyang mata

At tumingin sa taas kung saan naroon ang tala

At nagpaalam ang pusong patuloy na umaasa...


Paboto at Pakoment na rin
Thanks,
Mysterious Aries / Simplyfred

2 upvotes $0.00

Replies (0)

Conversation

No replies yet

Replies will appear here as people join the conversation.

Review before signing

Posting as . Signing with . Keychain permission: Posting. Hive Keychain will ask you to approve this action next.


  
Technical details

Operation fingerprint: