4th Street Bar Hive-Bar

Hive-Bar Powered by Hive beta-fdb5b5b

Community post

Ang Paghilom

Ang paghilom ay di lang sa pilat nakikita,
maging sa emosyong nararamdamang nag-iwan ng sakit,
indikasyon ito ng panibagong pahina ng ating buhay,
madalas sa alaala na lang sila masayang gunitain,
hindi naman natin maibabalik ito,
hindi na rin naman natin ito mauulit pa.

heal
SOURCE

Ang kasaysayan natin ay nagpapatuloy,
umaagos tayo sa daluyan ng panahong
hindi man lang natin hawak kung saan
ito papadpad, hindi natin hinuha ang ano mang
kaakibat na kaparan ang kakasadlakan natin,
at kung minsan pa nababalaho tayo,
nadadapa, nasusugat at muli pinipilit
nating pinatatag ang ating mga sarili
upang sa paghilom ay higit pang
mas magiging matatag tayo sa
pakikibaka natin sa buhay ng walang
habas na sinusuong natin hanggang
tayo may hininga pa!

STEEMIT DIVERSIFY - NEW JULY 2018 FOR SD.jpg

5 upvotes $0.00

Replies (0)

Conversation

No replies yet

Replies will appear here as people join the conversation.

Review before signing

Posting as . Signing with . Keychain permission: Posting. Hive Keychain will ask you to approve this action next.


  
Technical details

Operation fingerprint: